Paghahambing ng Mga Presyo ng Hotel

Mga Alerto sa Presyo

Gusto mo bang malaman ang pinakamagandang oras na makapag-book ng mga pinakamagagandang rate? Kami na ang bahala. Babantayan namin ang mga presyo at ipapaalam sa iyo kung mayroong magandang deal sa iyong paboritong hotel.

Pumili ng hotel

Nakahanap ng magandang hotel? Magaling! Hanapin ang alert button sa tuktok ng hotel page.

Magtakda ng Alerto

Itakda ang Alerto sa Presyo sa pamamagitan ng pagpindot ng alert button.

Kami na ang bahala sa iba pa

Oo, ganyan lang kadali. Kapag bababa ang presyo ng 10% man lang, ikaw ang unang makakaalam.

Instant Notifications!

Gamit ang Mga Alerto sa Presyo, maaari mong makuha ang posibleng pinakamagandang presyo nang walang kahirap-hirap. Babantayan namin ang presyo para sa iyo at kung bababa ito, makakatanggap ka ng real-time notification sa pamamagitan ng email o push message diretso sa mobile mo.

At huwag mag-alala - hindi ka namin papadalhan ng napakaraming mensahe. Babalitaan ka lang namin kapag bababa ang presyo ng 10% man lang, kung hindi, papadalhan ka namin ng mensahe pagkalipas ng 5 araw kasama ang kasaluyang presyo at pagkatapos ay magpapatuloy na i-monitor ito para sa iyo. Pagkatapos ay aming awtomatikong ide-delete ang alerto kapag lumampas na sa petsa ng check-in. Kung gusto mong magkansela ng alerto bago nito, maaari mo itong i-off anumang oras.

May isang bagay lang na dapat tandaan... kapag nakaidlip ka, talo ka! Dahil maaaring mabago kaagad ang mga presyo kaya't siguraduhing kumilos kaagad hangga't maaari pagkatanggap mo ng alerto.

Matuto pa

  • Hot tip! Mag-book ng kuwarto ngayon na nagpapahintulot ng Libreng Kanselasyon. Kapag sa susunod na pagkakataon ay makakatangap ka ng alerto na nagsasabing bumababa ang presyo, mag-book ng kuwarto sa parehong hotel para sa mas mababang presyo at pagkatapos ay kanselahin ang iyong orihinal na booking. Ang pinakamagandang deal na walang pagkabahala. Napakadali lang!
  • Hot tip! Palakihin pa ang iyong posibilidad na makakuha ng mga pinakamagagandang rate sa pamamagitan ng pag-on ng mga mobile push messaging upang makakuha ng instant notifications. Matuto kung paano
  • Hot tip! Magtakda ng mga alerto sa ilang mga hotel nang sabay-sabay upang mas mapalaki pa ang iyong pagkakataong makakuha ng mas mababang presyo.
higit pang mga tip

Makatipid nang Malaki sa Mga Alerto sa Presyo

Sa karaniwan, ang mga bisita ay nakakatipid ng 22% gamit ang Mga Alerto sa Presyo - na may record ng pagkatipid ng 89%!

Tingnan kung ano ang sinasabi ng aming mga guest sa buong mundo:

Gustung-gusto kong gamitin ang Alerto sa Presyo na feature. Nagtakda ako ng mga alerto, nag-relax at naghintay hanggang pumasok ang huling alerto. Pagkatapos ay nag-book na ako at nagbilang ng natipid ko!
Jackie Australia
Sobrang nakatutulong at nakatitipid ng pera ang Mga Alerto sa Presyo na palaging nakatutulong sa aking makahanap ng mga pinakamagagandang hotel deal.
Gavriel Israel
Nakatipid ako ng malaking halaga dahil sa Mga Alerto sa Presyo, at ang presyong nakita ko ay may kasama pang almusal. Nakakatuwa, salamat HotelsCombined!
Lin Taiwan

FAQ

  • Paano gumagana ang mga alerto sa presyo?

  • Kailan ako makapagtakda ng alerto?

  • Bakit hindi ako makapagtakda ng alerto?

  • Anong klaseng mga notification ang ipapadala ninyo?

  • Gaano kadalas mo ako babalitaan?

  • Ano ang gagawin ko kapag nakatanggap ng mensahe?

  • Paano ko papahintulutan ang mga notification sa aking Apple device (iPhone / iPad)?

  • Anong mangyayari kung lumampas na sa petsa ng Alerto sa Presyo?

  • Kailangan ko bang mag-sign up upang makapagtakda ng alerto?

  • Paano ko kanselahin ang aking orihinal na booking?

Nakakahanap kami ng mas maraming hotel

Ikumpara ang lahat ng mga nangungunang travel site sa isang simpleng paghahanap at matagpuan kung ano mismo ang iyong hinahanap. Napakadali lang.

Garantisado ang aming pinakamagandang presyo

Walang singil sa pag-book, walang mark-up. Iyan ang aming pangako sa iyo.

Gustung-gusto kami ng mga biyahero

Higit sa 400 milyong biyahero ang nagtiwala sa amin na makahanap ng pinakamagandang deal sa kanilang mga hotel sa nakaraang taon.

© 2019